We can’t pursue a dream without working hard and not having sleepless nights!”
Hi, I’m Ely Xi! A girl who procrastinates so much not until this blog site was published. I’m here to share a piece of advice on how to pursue your much awaited goals and some practical tips that will help you to be more efficient and to stop your procrastination!
— Ely 💜
Category: Uncategorized
Tamis at Pait ng Panga-RAP, katumbas ay SARAP
Bawat isa sa atin ay may tinatamong pangarap. Mga pangarap na magbibigay kasiyahan at kabuuan sa ating pagkatao. Alam kong nakakagalak sa pakiramdam kung unti-unti mo na itong naaabot. Ngunit, hindi ito mabilisan. Kinakailangan nito ng matagal na panahon upang lubusan itong maging sayo. Sa proseso ng pag abot mo dito, hindi mo maiiwasang mabigo, mawalan ng gana at sumuko.
Sa pagdating ng panahong ito, sana ay tandaan mo na ang mga bagay na pinaghihirapan ay labis ang katumbas na kahalagahan. Kung tayo man ay mapagod, ang pagsuko ay hindi sagot. Ayos lang kung panandalian ka munang magpahinga, nakakabuti pa nga iyan upang mas magkaroon ka ng enerhiya dahil hindi ka naman robot at ang kakayahan mo ay limitado lang. Pero wag ka sanang magpakampante at gayahin ang isang kuneho. Ang kuneho sa pabulang “Alamat ng Pagong at Kuneho” ay masyadong bumilib sa kaniyang sarili at inisip na mas mahusay siya kaysa sa pagong. Pinili niyang tumigil muna kahit sa totoo lang ay mas malakas siya kaysa sa Pagong. Tularan mo si Pagong, na kahit alam niyang mahina siya ay hindi pa rin siya sumuko. Tiniis niya ang pagod at nilabanan ang kaniyang kahinaan upang maabot ang inaasam niyang tagumpay.
Higit sa lahat, sa kung ano man ang kinakaharap mo ngayon ay huwag mong pairalin ang takot. Mabilis tayong matakot sa mga bagay na hindi pa natin nasusubukan. Ang isip mo ay makapangyarihan at kaya nitong kontrolin ang iyong mga gawi. Piliin mo ang positivity sa mundong puno ng impossibility. Tandaan mo na ang lakas mo ay nagmumula sa Diyos. Siya ang lumikha at may hawak ng buhay mo. Ipagpasa-Diyos mo ang lahat ng bagay na kinakatakutan mo. Sinabi Niya sa kaniyang salita sa Jeremias 29:11 na “Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito’y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa.” Ang kinabukasan mo ay alam Niya at punong-punong ito ng pag-asa. Ito ay planado na at kailangan mo lang magtiwala at sununod sa mga plano Niya. Sa pagsisimula o pagpapatuloy mo sa pag abot mo ng iyong pangarap, nais kong ipabatid sayo na kaya mo at kakayanin mo!


